TWITTER: Maumauify
Gaano kayo kasigurado na kapag nabigyan ng end yung naging dahilan ng pagbabago ay maaaring bumalik sa normal ang lahat?
Walang kasiguraduhan ang bagay na yan. Pwedeng… maging okay. Oo. Pwedeng pwede. But being OK doesn’t automatically mean na “kagaya ng dati.” Hindi gano’n kadali un. Minsan kasi talaga may mga gap na hindi na kayang pagdikitin ulit. Lalo na kapag matagal bago nagawan ng paraan, madami na kasing mga pagbabago kapag gano’n eh.
Aagree pa ‘ko kung sasabihing, gumawa ng panibagong simula. I mean, bumuo ng bagong pagsasama, ung mas maganda, ung mas matibay. Pero… Kung sasabihing umasa ako sa possibility na bumalik pa ung dati. NO, THANK YOU.
Kase.. Di ba. Kung iisipin, BABALIK SA DATI. Pucha. Nakita na nga nating hindi naging OK ung dati e, hindi nagwork. Bakit pa kailangang bumalik dun?
That’s just about it. I don’t know how to end my post. Gusto ko lang ilabas ung tumatakbo sa utak ko.