MAUREEN, 18, Agraphobic.
I AM NOWHERE NEAR PERFECT
dont take for granted things you dont own, instead love it like it's yours

TWITTER: Maumauify

It’s A Foggy Life- Chapter 13: Nadapa siya, pero hindi siya umiyak. ü

” Dahil walang nagrerecite, let’s have a quiz.”

OMFG. May notes naman talaga kasi ako e. Ayaw ko lang magrecite. Ayun tuloy. Nainis si Sir Lopiga, nagbigay ng quiz. BV talaga, umaga pa lang e. Buti na lang, bago nagsimula ung quiz, iniligtas ni Martin ang araw ko mula sa tuluyang pagkasira.

Eh, tinawag niya siya e. Kung sino siya, bahala na kayong gumawa ng paraan para malaman. Edi pagtingin ko sa labas ng room, TEDEN!, andun siya. lels. Naka- fuchsia pink. Ewan. Wala na kong pakialam sa exam, ‘di na ‘ko madedepress. Okay na un. Nakasagot naman ako nang hindi nangongopya, ‘yung ang mahalaga. Lol, minsan lang maging marangal e.

Eh, so un na nga. Nagreport si Belarmino. Ngarag talaga CP I-2 ngayon e, kasi dalawang requirement ipapasa sa Developmental Psychology. Buti na lang we survived. Wihehe.

Start ng reporting sa ICTC, dumating si Kuya Raymond. Edi nakatingin ako sa may pintuan, nagulat ako, andun sila ng kaibigan niya sa may tapat ng pintuan. Oo. Tinignan ko naman, siempre. Tass nagtaas siya ng dalawang kilay, bilang pagbati. At kumaway naman ako. Un na. Nawala na sila.

I just had to share. LOL. Hindi talaga ito ung ikukwento ko. Siningit ko lang.

Ang ikukwento ko talaga ay ang convo ng Hamog. Hindi naman buo, naging takbo lang ng usapan.

Nagpunta muna kasi kami sa COC para manood ng something na hindi naman namin nasimulan, dahil nag-attendance lang kami. Lol. Umupo kami saglit, mga 15mins. Habang nakaupo, nagkakwentuhan kami ni Chan, malamang tungkol na naman kay Pam. Sino pa bang pag-uuspan namin? Si ateJ…. Sssshh! Ayaw ng issue ni Chan no! Lagot na naman ako dun. Hahahaha. Anyway, after nun, lakad kami pa-Pureza, habang pinagtitripan si Chan na may tagos siya, hahaha. Super laughtrip nung tinignan na niya ung likod niya. Hindi na natiis e :))

Napilit namin si Chan mag-LRT kasi, lima kaming babae na may gusto mag-LRT, siya nag-iisa. Walang laban. Haha. Napigtal pa ung bag niya, kamalas-malasan. Mabilis kaming nakarating sa McDo dahil nga nag-LRT kami. Haba nang kwentuhan.

Nung nag-oorder si Joanne at si Karen, nagulat na lang si Hanna, nang bigla akong nagstart magkwento kung pa’no nagsimula ung nangyayari ngayon sa ‘min ni N. Sabi nila, mamaya ka na magkwento kapag nakabalik na sila. Yun naman ang ginawa ko dahil wala akong sarili desisyon, hahaha.

Pagdating ni Joanne at Karen, habang kumakain kami, nagstart na ‘kong magkwento. Parang sirang plaka nga ako ngayong araw e, ilang ulit ko nang ikinwento kung pa’no nagsimula. LOL. Sa pagnanais kong maintindihan nla kung anong nangyayari at naglulumandi na naman ako.

Pagkatapos kng magkwento, random usap kami. Hanggang sa napunta na sa pagiging iresponsable ng ate ko; sa buhay pamilya ni Karen; at sa Lay Minister na ama ni Joanne. :))

Si Chan pati si Mich, tagakinig at kumento lamang, si Hanna taga-react. Ü

I guess these shots summarize this day:

——————-

P.S
Nahanap na ni Christian ang long lost pamangkin niya na si Margie Geronimo. Lol. ISA PA, nag-GM ako na ang nakalagay na tag ay “ang batang nadapa, pero hindi umiyak.” ♥

It's A Foggy Life: Chat [Siya at Ako]
  • Siya: Naniniwala ka na na kapag nawala na, saka namimiss?
  • Ako: Ang tao? Hindi. Madalas kasi, kasa-kasama mo pero mas namimiss mo, lalo na kung alam mong may nagbago. Lahat nagbago.
  • Siya: Tama un. Honestly, namimiss kita minsan. :{
Puro Hamog kasi, napansin ko lang. Kaso naligaw si Popoy e, kaya chinuva ko. :’))
Looks like we went to a children’s party, aye?
Goodnight everyone! KISS*
It’s A Foggy Life- Chapter 12: LBM, Para Ka Palang Pag-ibig?

FEBRUARY 9, 2012

@ exactly 5:52 in the morning

Nagising ako, diretso CR. Omg. Naparami yata talaga ang nakain ko kagabi. Hindi kineri ng tiyan ko? Ewan. Mga 5mins lang ako sa loob ng CR. Kasama na dun ang hilamos. Paglabas ko, pumunta ako sa kwarto ko. 6 oh-oh. Nagsimula na akong magreview sa Filipino. Habang kinakabisa ko ang mga Katangian ng Pananaliksik, pumikit ako at nang dumilat akong muli, 6:22AM na. LOL.

Pagkadilat kong yun, dumiretso na naman ako sa CR. Okaay. Nakukuha niyo na, di ba? Nagloloko po ang tiyan ko. Omygad. Ang nangyari, sumagi na sa isip ko na huwag na akong pumasok. Kasi nga, ganon na yung tiyan ko. Nagrereview talaga ako. Hanggang 7:50AM.

Yun na, maliligo na ako. Pag-akyat ko, may sumalubong sa ‘king anghel. Edi humiga na naman ako. Naunahan tuloy ako ni Daddy sa CR. Yun tuloy, nauna siyang maligo. Un na nga. Humilata na naman ako hanggang 8AM. Saka ako kumilos.

Ako: Ma, tinatamad na ‘ko mag-aral.
Mama: Tinatamad ka pa niyang lagay na yan ha.
Ako: Haynako ma, kung alam mo lang. Iniisip ko nga, masaya na ‘ko wag
lang ako magkaroon ng 2.5 eh.
Mama: Nak, wag ka nang tamarin, alam mo naman ikaw na lang ang
pag-asa ko e. Wala ka lang inspirasyon.
Ako: Inspirasyon?
Mama: Wala ka kasing boyfriend. Pag nagka-boyfriend kna niyan.
Ako: Edi lalo akong tinamad mag-aral nun. Hindi ko kailangan ng boyfriend.

Yun na. Tumayo na ako sa kinahihigaan ko, pumunta sa bathroom at naligo. Malamang. Pagkalabas ko ng bathroom, diretso ako sa kwarto ko. Naalala ko bigla yung necklace na may pearl na pendant. Para kasing hindi ko nakikita e. Nagbihis muna ako, then sinimulan ko nang halukayin yung mga gamit ko. Akala ko nawawala na talaga. 30 minutes akong naghahanap. Tengene. Late na ako sa usapang oras namin nila Chan. Tinaob ko na ang bag ko sa sobrang inis. Pagkataktak ko, nandun, nalaglag. Grabe. >,<

Gayunpaman, good mood pa din akong umalis sa bahay. Ewan. Dahil siguro gwapo si Im Jae Beom at si Park Seo Joon. LOL. Habang nasa tric ako, patuloy ang pag-aalangan kong pumasok kasi humihilab talaga ung tiyan ko eh. Kaso iniisip ko yung dalawang midterm exam na ite-take up namin ngayong araw. GC ako e.

9:49AM, nagtext si Christian, nasaan na daw kami. Mga Hamog. Oo. HAMOG. Hindi ako nagreply. Hahahaha. Tigas ulo eh. NagPM, “.sa’n kna mau?.” saka ako nagreply. “acacia lane, sir. ü” Yun na. 10:15AM, dumating ako sa gate ng PUP. Obviously, late ako ng mga 20minutes sa usapang oras. SUBALIT, pagdating ko sa meeting place.. dalawa pa lamang ang living creatures: Chan and Ronn. Magsagot na daw ng Filipino, main reason why we went to school nang maaga kahit pareparehas na talaga kaming tinatamad mag-aral.

10:30AM or mas late pa, dumating si Hanna. “Dalawa pa lang kayo? Anong oras na ah.” Bungad niya samen ni Chan. 3 na kami, yun ang totoo. Kaso umalis na si Ronn, as usual. Kasama na ng girlfriend niya, siguro. :)

After 10mins, yata. Dumating naman si Karen. Before pa siya dumating, napag-usapan na namin nina Chan at Hanna na mag-e-SM na lang muna. Tutal 1:30 pa naman ang klase namin talaga. Edi ‘yun na. 11AM nakita ko pa si EJ Eugenio, schoolmate ko siya nung HS.

Umalis kami. Sinabihan sina Mich at Joanne na dumiretso na lamang sa SM Sta.Mesa dahil un na ang plano nang grupo. Si Mich daw nsa malapit na sa UP so doon na lang kami nagkita sa labas ng school. Si Axle papalabas pa lang kami ng campus nasalubong na namin siya. Edi happy happy na. :)

Pagdating namin sa SM diretso kami sa may foodcourt. Pero dapat talaga manonood kami ng sine e. Kaso GC kami e. Gagawa daw kami ng English at Filipino. Ang pagdating namin sa SM ay siya ring simula nang pag-aalburoto ng aking tiyan. Srsly, mejo nababaliw na ako nung time na un. Napipigilan ko pa talaga kasi ‘yung sakit e. Parang wala lang tlaga. Edi gora lang. Kain si Chan, daldalan kami. Habang gumagawa ng English at nagrereview pa din for the midterm exam sa Filipino.

Dumating si Joanne. May dalang YEARBOOK, malamang sa kanya yun. Napagtripan nung dalawang kulot. Naghanap sila ng chix. Hahahah. As usual. That time, bumili na ng pagkain sina Hanna at Karen, habang ako, si Joanne, at si Mich nakaupo pa din, nakikipag-gaguhan dun sa dalawa, daldal, loko-loko, aral (kunware).

Around 12:20PM, nagpasama na ako kay Joanne sa CR. Hindi ko na kasi talaga kinakaya ang mga pangyayari eh. Ang sakit sakit na talaga. Kailangan ko nang ilabas. Hahahaha. De, pumunta na ako nun sa CR. Un na nga. After nun, pagbalik namin ni Joanne, 12:30PM, nagdedeliberation na. Haha. Whether to attend or not to attend English class. GC kasi si Axle at si Karen. Gustong pumasok. Eh ang pinakaGC sa lahat, nagdadalawang isip na din, habang kami nila Joanne, Hanna, at Mich desidido nang hindi pumasok. Wala naman kasing pinagkaiba, pumasok man kami o hindi eh. Wala talaga kaming natututunan sa prof na un. Err. Ö

Nagkaroon ng maliit na argumento tungkol sa level of GCness.

Chan: Tengene kasi netong dalawang ‘to eh. GC.
Karen: Porke gusto lang pumasok, GC na agad? Hindi pwedeng.. MABUTING
ESTUDYANTE lang muna?!
Chan: Ganon na din un.
Karen and Axle: (Hindi po sabay, prehas lang ng sinabi.) Magkaiba un.
Karen: May sarili kasi akong desisyon Christian, hindi kagaya mo.
Chan: Ala-una na nga kasi tayo umalis. Hindi naman tayo male-late. 

Okay, kunteng katahimikan, mejo nagkakapersonalan na e. 12:40PM gusto nang umalis ni Karen. Sabi ni Chan, ala-una na nga tayo umalis. Okay naman kay Axle. Nakatayo lang si Axle dun sa tabi ni Karen. Maya-maya nagyayaya na naman si Karen. Nagsalita na ang mahaderang si ako.

Ako: Alam ko na kung bakit gustong pumasok ni Karen. (with matching
malditang ngiti.)
Karen: Huy ano ba! Hindi! Wag na nga kasing pag-usapan ung mga ganyan
naiinis na ako. (after 2seconds, biglang tumayo. umalis.)
AXLE *tinangkang habulin si Karen*
Hanna: WAG MONG HABULIN! WAG AXLE.
AXLE *nanatiling nakatayo*

Mamaya, biglang nakaramdam ng hindi normal na feeling si Axle. LOL. Si-CR daw siya. Tinuro pa ‘ko, sinisi pa ako. Edi un na. Wala pang 1PM. NagCR si Axle. Maya-maya, biglang nagtext si Vivas, wala daw English. Nagtext si Mam Uy. Edi kaming Hamog, tawanan na lang. Si Karen kasi. Ambogaks talaga. Eh kung nakinig lang siya sa ‘min. Edi sana… Tss. Sabi nga ni Axle bigla pagbalik niya galing CR, at pagkasabi naming walang English class, SABI KO NA NGA BA EH! TAMA TALAGA UNG “GOOD THINGS HAPPEN TO THOSE WHO WAIT.” Wala pa namanG phone si Karen, tatanga tanga naman kasi. Tssssss.

Edi after nun, naisipan nilang mag-pizza. nag-aaral lang ako nun e, busy-busyhan. Paano naman kasi ang sakit na talaga ng tiyan ko, tas natatakam ako sa mga pinagkakakain nila. Edi nun napagdesisyunan kumain ng Pizza, nag-ambag ako. LOL. Akala ko nga pipitsuging pizza lang bbilihin nila e, Pizza Hut naman pala. Pero bago talaga sila bumili ng pizza, binilihan ako ni Axle ng gamot. Nilapag ko sa mesa bago ako magCR, pagbalik ko, WALA NA. Tinapon siguro ng kuyang naglilinis >.<

Before we started eating, may naisip pa silang gawing teaser, para kaming nag-eendorse ng Pizza Hut eh. Watch it HERE. :D

So un na nga. Kainan na.

Pero masakit pa din ang tiyan ko. Kaya after namin kumain, bago bumalik sa school, binilihan muna ulit ako ni Axle ng gamot. Sobrang sakit na kasi tlga, hindi ko na kinakaya eh. Naglalakad kami palabas nang SM StaMesa, nasalubong ko si Vyne Sajuela. Naalala kong lasing siya nung huli kaming nagkita. Hahahaha. Sabi ni Chan, Hindi mo kami ipapakilala? LOL. E nakalampas na si Vyn, tas sabi ko naman ipapakilala ko, ayaw na. Matampuhin talaga yan si Chan e, sarap sakalin. Nyhaha.

Going back.. Bago pa kami makasakay ng jip, nainom ko na ung gamot, Pero hanggang makarating sa school, waepek pa din. Grabe. Nagpapawis na ako, tumataas na din mga balahibo ko sa sobrang sakit at hilab ng tiyan ko. Ilang beses ako nagpasama kay Joanne sa CR, binilan pa ‘ko ni Chan at ni Axle ng tissue, isang roll. Grabe, nawala talaga hiya ko sa ganitong bagay dahil sa letseng LBM na ‘to. :))

Un na, todo hintay lang ako nang oras ng exam sa Filipino at Statistics. Grabe. Ang tagal. Nagmamadali na talaga ako, isip-isip ko, sana 5PM na para pwede na ‘kong umalis. Un na nga, pagdating nang 5PM umalis na kami sa room, habang naghihintay ng elev, nakita ko si Ian Robles, one of my HS bestfriends. Nagbatian lang kami. Tapos na. Hahaha.

Pagbaba namin, naglalakad na kami palabas nang gate ng PUP. Biglang nagbago isip nung dalawa, si Mich at si Joanne. Gusto daw nila manood ng Mr.&Ms.Psychology. Miski naman ako gustong gustong gusto ko talaga manood, ang kaso nga lang.. Nag-e-LBM nga ako. Aww )):

Bago kami naghiwalay nina Axle, Hanna, Chan, at ako.. Napag-usapan namin ang dramas nang araw na ito. Grabe kasi. Tengene kasi nun ni Vivas e, ang sarap hambalusin. LOL. JK. Hindi ko na kasi naiintindhan at mas lalong hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa niya. Hindi na talaga nkakatuwa. Basta. Ayoko na talaga sobrang inis na inis na inis tlaga ako.

Naghiwalay kami nila Hanna, 5:30PM na un. Antay ako sa may kanto ng Old Sta Mesa St. Antay jeep pauwi. Nakita ko si Gian Panes. Nagbatian lang kami, ang sexy ko daw. LOL. Bus seat na un, naka-off shoulders kasi ako. Wala pang limang minuto ang lumipas, dumating bigla si Marljon Gelilio. Siya ang nakasama ko. Hahaha. Naghintay kami ng jip dun for about 15mins. Nakita namin si kuya Jomari Jardio. Nakita din namin si JC Marasigan. Tinitigan lang namin si JC para pansinin kami. Tapos, naglakad na kami papuntang Pure Gold, nyahaha. Wala na kasi talagang maskyan sa may StopNShop. So, inaya ko siya. >.<

Habang naghihintay kami ng jip, may kumalabit sa akin.. Si Justine Paloma. Sa PUP pala pumapasok un, CLL daw sabi ni Marljon. Tagal naming naghihintay. May dumating na jip, flat. Okay. Ang malas nila, sila na nga nakasakay sa maluwang e, sila pa naflatan. LOL. Nakita namin sa loob si Wilfredo Coronel, at mula din sa jip na un bumaba si ate Carla Cruz. Oo na. Ako nang madaming nakita’t nakabatiang schoolmates nung HS.

Sabay kaming umuwi nina Wilfredo at Marljon. Plano na talaga naming sumabit e. Tengene lang na drayber, ang KJ tlaga. Umupo na ako dun sa may likuran e. Oo. Para maexperience ko lang naman, habang hindi sumasakit ung tiyan ko. E biglang sabi ng drayber Maluwang pa yan oh, ayan oh, ayan. Tapos pag-upo ako, hindi pala, mali, pagpunta ko dun sa puwestong tnuro niya, pina-iskwat lang ako. LOL. Tengene. Mas kumporatbale pako kung dun ako umupo sa sahig sa pasukan ng jip. Nevertheless, it’s still experience. :))

Laking pasasalamat ko talaga kay Wilfredo at Marljon e, kasi kung hindi ko nakasabay ung dalawang poging un, edi hindi na ako nakauwi? Baka inabot na ako ng chorba ng tiyan ko sa kalsada. Wie.

God, indeed, is good at all times. Alam mo ung feeling na first time kong ginamit na may smiley ung CARPE DIEM sa gm ko, tapos saka pa ako in-LBM nang buong araw. Pero sa araw na nagka-LBM ako, lumamang pa din ung happiness e. Kasi nakasama ko muli sa SM ang aking mga mahal na kaibigan, tapos, nakita ko pa ung mga former people sa buhay ko. Lagi talaga Siyang may pambawi e. ♥

Kung hindi ko siguro sinimulan ang araw kong masaya, ngumangalngal na ako kanina pa sa sobrang sama nang araw ko. Ngayon na realize kong hindi naman pala talaga masakit ngumiti sa umaga. Haha. :) SMILE!

▬▬▬

“LBM, para kang pag-ibig.. Hindi kita matiis. Kailangan kong bumalik nang bumalik sa napuntahan ko na para sayo. Kahit ang sakit sakit na, wala akong magawa. Hindi ko kasi mapigilan. Faq pfhoewsz. Hihi.”

-The End

It’s A Foggy Life- Chapter 11 [Complete]: Musicality 99.9%, My Side of The Story.

JANUARY 12, 2012 - Psychology Singing Idol AUDITIONS.

Nagsimula ang lahat nung araw na ‘yun. Si Joanne kasi. Hahaha. Days before that, sinabihan ang lahat nang sections na kung sino man ang interested na mag-audition, magprepare ng minus one ng audition song, 3 copies of song lyrics, 2x2 picture, and a photocopy of the registration card.

Wala naman talaga sa plano ko mag-audition eh. Hindi nga ako nagprepare ng kahit ano sa requirements. Hanggang sa dumating ‘yung araw na ‘yun. Hapon na yata? Wala kaming prof nun eh. Nagdadalawang isip si Joanne, gustong gusto niya kasi mag-audition, ang kaso, gusto niya kasama kami ni Hanna. Ang tagal. Ang daming chechebureche. Aynako. Hanggang sa naglakad na ‘ko palabas. Sabi ko, “Tara na!” Yun na. Hahaha. Usapan namin mag-Rihanna kami lahat eh. Sa akin, Take A Bow, kay Hanna, Umbrella, kay Joanne naman, Unfaithful. Eh since gusto tlga ni Joanne, may pinractice pala siyang piece. ‘Yung soulmate. Yun ang pinang’audition niya. :)

Natapos ang audition. Okay. Kampante naman akong hindi ako makakapasok e. Muntanga kaya ako nung nag-audition, nagtatakip pa ‘ko ng mukha. LOL.

The next day.. JANUARY 13, 2012. Lumabas po ang results ng audition. Jusmiyo! Nakapasa kaming tatlo. Mygaahd. Hahaha. Nakakaloka. Edi go na.

Sa kasagsagan ng orientation, mga practice, at iba pang days of preparation.. Ilang beses akong nag-attempt mag-quit. Umiyak pa ‘ko sa harap ng head organizer, para payagan ako. Kasi ayoko naman talaga. Hindi ko kayang kumanta na mag-isa. Waepek pa din e. LOL. A week before and the week mismo ng competition mangiyak ngiyak na ako araw-araw dahil sa mga practice. Maaga papasok, kasi may klase, gabi uuwi dahil late na matatapos ang pratice. Kinabukasan, ganon na naman. Tsk.

Let’s jump.

JANUARY 21, 2012 - Psykustic PRACTICE.

1st time naming nagpractice para sa PSYKUSTIC. Pumunta kami kayna Ronn. Oo, dun kami nagpractice. Paulit-ulit? Hahaha. Hm.. Nilista ko ang mga kantang dapat na mapasali sa MASH-UP, kasi set na yung para sa COVER (Rolling in the Deep) e. ü

  • Price Tag
  • T-shirt
  • Always Be My Baby
  • Party In the USA
  • The Climb
  • I’m Yours
  • Lonely
  • Here Without You
  • Wish You Were Here
  • Bleeding Love
  • Thinking of You
  • Take A Bow

Ilang weeks ang ibinigay nila sa akin para iayos ang arrangement of songs. LOL. Inayos ko naman e. Nagrecord pa nga ako. Haha. Ang pagkapasaway ko lang, hindi ako nagprint ng lyrics na may arrangement. O:)

Simula pa lang, priority ko na talaga ang Psykustic e. Ewan ko. Masyado ako mapagmahal sa mga banda. Hahaha. Mas maigi ang pagpapractice ko sa Psykustic, kesa sa Singing Idol e. Mas confident din ako na magiging maganda ang performance namin. :)

Twice, nag-RTR kami. Para mabuno namin ang 1000Php na quota for 10% of the judging. Kailangan namin e. Nagkayamutan pa kami ni Chan nun, kasi ang sakit na talaga ng lalamunan ko, eh gusto niyang mabuno na namin ung 1000Php that day. LOL. Pero wala. Ayoko na tlga. Hahaha. Di ko alam kung paano nila napaabot ng 910Php ung 740 lang na nakuha ko. :D

Ang sumunod na practice na namin, February 1, 2012. 2 days before the event, 2nd practice pa lang namin. Hahaha. Dumating pa ‘ko badtrip. Kami ni Joanne. Gutom kasi kami eh. LOL.

So ayun nga.

FEBRUARY 2, 2012 - Psychology Singing Idol, THIS IS IT.

After namin kumanta yang picture na yan. Sabi ng judges, wrong choice of song daw e. Haha. Pero keri lang, ang mahalaga talaga para sa akin, hindi ako pumiyok. Hindi ako napahiya. LOL. :)

Dami nagtext sa akin, hahaha. So, un. Umiyak pa ‘ko. Pinaiyak ako ni KuyaJeric. Sobrang enjoy lang. Hahahaha. ♥

So un na nga, nanalo si Hanna! 3rd place. :))

Edi happy happy ang CPonetwo. Galing eh. ü

FEBRUARY 3, 2012 - Psykustic VIII, THE MAGICAL DAY. Ü

Madaling araw yata. Nagtext nun si Manong Emman, na kailangang i-compress yung performance into 15minutes length at most. Pagdating sa school, pinractice agad namin nila Chan, ung cover 3:25, ung mash-up, 4:00+ lang, sabi ko kasi mabilis masyado yung pagstrum ni Chan, so feeling ko sasakto ng mga 10minutes yung performance. Ü

So un na. Mga 2:30, dumating si Pamela Ambat. Ang bisita ni Chan. May dala siyang Mister Donuts. LOL. Pasalubong. ♥

Pagpasok namin sa loob, akyat sa 6thflr westest, siempre. Haha. Dun kami nagkwentuhan. Pinakilala ko din kay Pam, si JC. Okay. tas sinabi ko kay Pam na un ung bagong chinochorva ni Chan. :)

Mahaba-habang kwentuhan ang nganap, hanggang bago mag-5PM. Umuwi na si Pam nun. Nakatanggap pa ng goodluck kiss e. Nakakatawa. Landi ni Christian. Pero bago talaga umalis nun si Pam, umiiyak na si Joanne e. Nakakabahan at napepressure kay Christian. Tas iniwan pa kami ni Hanna, lalo tuloy na-pressure. LOL. Un na nga. Pagbalik namin ni Chan, nagkayamutan na. Bigla kasing ayaw kumagat nila Axle at Ronn sa usapang magkocrossdress kami, as part of the showmanship sa performance. Hay. Pero sabi ni Mars wag daw sabayan. Para maging okay pa din ang perf.

Bago kami nagstart, 6th band on-stage. Ginawa ang bagay na hindi nakakalimutang gawin ng CPonetwo. Nag-PRAY. Nung kami na.. Aun. Okay naman. Actually, sobrang saya ko nga eh. Andaming nagtext sa akin, isa dun ang crush kong si REUEL KARLO DE LOS SANTOS. Mygaad. Umiyak nako nung time na un. Parang nanalo na talaga kami. Sobrang sayaaaaa. Hahaha. :)

Check out our performance: Psykustic VIII - Cover + Mash-up
Bandname: And Many More Ü

Okay na. Tapos na. Hahaha. Everything’s now back to normal. Tapos na ang mga competition e. At naging masaya ako sa lahat ng araw na yun. ;D

It's A Foggy Life- Chapter 11 [Part 1]: a symmetrical life of a musician psychologist: Psykustics XIII

xtianicomedes:

Pagpasok ko kahapon, binungan sa’kin ang balitang reduced to 15 mins ang maximum time na dati ay 20 mins.

Inorasan namin ung cover song namin, 3mins at ung mush-up 4 mins. Kaya pasok pa rin ung mga pakulong pinaplano namin.

At nagpacutix pa ‘ko.haha.para cute.first time to.

Alasdose ng nagpunta…

~Christian’s narration~ wait for mine. :D

It’s A Foggy Life- Chapter 10: Ang Babaeng taga-CEA.

Probably my most favorite chapter, so far.

This was just an ordinary day. A normal day to just go out and hang out with friends.

First, we thought of watching a movie in the cinema. That was the original plan. But as all the usual, my friends would change their minds and decide on doing other things or going to other places.

While we were walking on our way out of the university, one said, that was Axle if I’m not mistaken, we should just go to Cubao and eat in McDo. I forgot to mention that we have one problem which is: Joanne and I do not have enough money to go gala.

Sabi ko, “Para kayong mga babae! Ang gugulo ng isip niyo.” Sabi naman ni Christian, bakit daw sila. Sabi ko, kasi usapan na nung una, magsisine, tas biglang may magsusuggest ng iba.

Patuloy pa rin ang diskusyon kung saan pupunta. We stopped in front of basketball court. Hindi talaga kami magkasundo. Sabi ko sa kanila, kung magku-Cubao sila, hindi talaga ako sasama, kahit na may manlilibre pa, kasi nga nakakahiya. Gusto ni Hanna, kainan na lang kasi gusto niya daw yung nagkukwentuhan kaysa nanonood. Nagkasundo sila ni Axle. Kaso, wala talaga akong pera, pati na rin si Joanne. So may umusbong na namang bagong ideya.

Axle: Tara, lugaw na lang tayo!
Mau: Hindi ko kumakain ng lugaw.
Hanna: Ako nga din, hindi nga ako nakakaubos e.
Christian: Pachicks ‘to eh oh. Hindi kumakain ng lugaw.
Mau: Oy gago, kahit kailan hindi ko ginusto maging chicks. Ayoko lang talaga ung lugaw.

Okay. Diretso pa din kami sa may lugawan. Kasi hindi naman talaga okay saken na nababgo ung desisyon dahil sa ken e. Nakakairita kaya kapag ganon. I know.

We got to Tita Bebang’s Lugawan. Hindi ko alam kung ako lang ang nagtataka, pero, parang nawawala yung maingay na si Ronn. Napansin ko lang. Then someone suddenly spoke about him, si Christian yata un, if my memory serves me right. Sabi niya wala daw si Ronn kasi daw makikipagkita sa babaeng taga-CEA. Nagsalita si Michelle, sabi niya hindi daw tagaCEA un, alam daw niya kung sino un.

*TOTALLY CLUELESS*

Umalis nga pala kami sa lugawan. Again, I do not remember who raised the idea of going to Jollibee. We went to Jollibee, which is about 30steps away from Tita Bebang’s place. We went up. Umupo sila. Pero sabi ni Joanne, mas mahal daw sa Jollibee, tinanong kami ni Chan, at dahil alam kong mas mahal dun, sinabi ko.

Umalis na naman kami. Habang naglalakad, sabi ng isa, tara Chikboy! Deadma na lang kami sa suggestion na iyon.

SA WAKAS, nagkasundo na kung saan pupunta. SM StaMesa. Food Court. Okay. Done. Nagkaroon na naman kami ng bagong dilemma. ANO YUN? We can not decide if we were to take a jeepney ride or we were gonna go walking. At first, we decided to walk. Pero, ang layo daw e. Tigil kami sa tapat ng beerhouse, naghintay kami ng jeep. Wala talaga kaming msakyan. Walang maluwang e.

Nagyaya si Axle. Balik daw kami sa may Chikboy, dun dapat kami sasakay e. Then, habang naglalakad kami, nagulat na lang ako, nag-aatrasan na sila. WALA AKONG NAKITA. OKAY. Sila lang may nakita. Sabi ko, “Ano un?” Hindi ko maalala if it was Michelle or Joanne or Hanna who answered me. Si Arpia at si Ronn magkasama. Ö

Then I was like, “So siya ung babaeng taga-CEA?”

Things started to get clearer nung naglalakad na kami, at nagkwento na si Michelle. Sabi niya, “Sabi ko sa inyo eh, hindi un tagaCEA.”

I can not remember the exact lines kung paano kinwento ni Michelle ang mga bagay bagay. Basta, the bottomline is, Ronn and Arpia are together. Officially.

I don’t wish to go further regarding this. I was just thinking, maybe, I shouldn’t be blogging about this matter. I have not gained details about this, purely highlights. I’ll just leave this to Christian. ☻

Money can’t buy friendship, but sometimes youll find out u cant have some friends bc of money

Or maybe you can’t have some friends ~by your side~ bcos of money :| We’re not gonna let that happen.

"A friend is a second self."
Aristotle
It’s A Foggy Life- Chapter 9: What’s Money Got To Do With Friendship?

” Money is better than poverty, if only for financial reasons.

Sabi daw yan ni Woody Allen. Oo nga, I totally agree. Kaya nga ngayon nakikita kong mahalaga talaga ang pera. Hindi ko masabi sabing, mas madami pang bagay na mas mahalaga sa pera, kahit totoo, kasi naman, labis labis ang pangangailangan ng isang kaibigan, na may kinalaman sa pera. Pride pa ba naman ang uunahin ko? Pero salamat. Salamat para sa mga nangyayari ngayon, kasi sobrang na-a-appreciate ko talaga ‘yung closeness, bond, and love within our group. And I feel that Arjay also appreciates and feels our warm embrace, though we have not actually seen each other since the Christmas break started.

‘Di ko naman lubusang maisip na ganito pala ‘yung level ng friendship namin. Well, I don’t mean that I take my friends less than what I’m seeing now, pero, hindi ko lang akalain na nakabuo na kami nang ganitong foundation. ‘Yung ganitong feeling na we’ll start working for money, not for ourselves, but for a friend who’s in need.

Would you imagine? I’ve been planning on saving for like 2 years now. And I have not saved a cent. Then biglang papasok lang sa eksena ung ganitong incident/event sa buhay ng pinakamamahal naming kaibigan.  ’Yun na, I am more than willing to just give half of my weekly budget para lang makatulong. And what’s more, sobra okay lang sa ‘kin magtinda ng kung anu-ano samantalang it’s been ages since my mom started asking me to sell things sa school for extra income. Ayoko talaga. But look at what’s happening now.

Iba talaga nagagawa sa ‘kin ng salitang pagkakaibigan e. Lahat talaga sinusuong ee, kahit mga bagay na hindi ko interes. Even those things that aren’t my thing.

” In critical moments even the very powerful have need of the weakest.

Eh sabi ni Aesop yan eh. Maniniwala ba ‘ko? Yes. But first, inintindi ko muna ang sinasabi niya through this quote. The message of this quote is simple: Whoever you are, you’ll always be needing help from others. Like they always say, no man is an island. Walang kayang magsurvive mag-isa. Kaya sa ngayon, palagay ko, tama lang na ipaalam na namin sa iba ‘yung tunay na situation ni Arjay. Hindi lang naman kami ung may gustong tumulong sa kanya, that’s sure. At alam ko din, na hindi din naman namin kakayaning kami kami lang. I know mejo nagkokontradict siya in some way sa una kong mga statement, pero kasi, hindi naman sa lahat ng oras na sinabi ng isang tao na gagawin niya lahat ay kaya na niya. Honestly, I just feel na mabigat na responsibilidad at duty-as-a-friend itong inaako namin.

Just to clear things out, I do not have a single doubt on the things we plan on doing. I have my full trust and faith that we could work things out. Kailangan lang naming humingi ng tulong. At alam ko, God will do things His way, and His way’s always the best way. :)

Many sorrows shall be to the wicked: but he that trusteth in the LORD, mercy shall compass him about.  (Psalm 32:10)

Goodnight!